GMA Logo leo martinez para sa Abot Kamay Na Pangarap
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Lolo Pepe's life is in danger

By EJ Chua
Published November 28, 2023 2:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope Leo warns over use of AI in the military
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

leo martinez para sa Abot Kamay Na Pangarap


Huli na ba ang lahat para kay Lolo Pepe? Abangan sa 'Abot-Kamay Na Pangarap.'

Isa nga kayang karakter ang mamamaalam sa hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap?

Sa bagong episode ng serye, mapapanood ang ilang intense na mga eksena ni Lolo Pepe, ang karakter ng veteran actor na si Leo Martinez.

Labis na pahihirapan ng tauhan ni Moira (Pinky Amador) si Lolo Pepe habang bihag nila ang uli.

Samantala, matutunghayan din ang pagtatalo ng salbaheng mag-ina na sina Moira at Zoey (Kazel Kinouchi).

Tila hindi sila magkakasundo sa ilang bagay na dapat nilang pagdesisyunan, kabilang na ang susunod na plano nila kay Lolo Pepe.

Magkakagulo sila habang si Analyn (Jillian Ward) naman ay hindi titigil sa paggawa ng paraan upang mahanap ang kanyang lolo.

Ano kaya ang balak ng batang doktor?

Makaligtas pa kaya si Lolo Pepe?

Narito ang ilang pasilip sa episode na ipapalabas mamaya video sa ibaba:

Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

Samantala, mga Dramarites, may chance kayong maging #FeelingBlessed ngayong holiday season.

Sumali sa GMA Afternoon Prime Dramarites Challenge para magkaroon ng pagkakataong manalo ng P5,000 daily at P50,000 sa grand raffle.

Tumutok lang sa Abot-Kamay Na Pangarap, Stolen Life, at The Missing Husband, mula Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m. hanggang 5:00 p.m.

Para sa iba pang detalye, bisitahin ang www.gmanetwork.com/DramaritesChallenge.