GMA Logo Abot Kamay Na Pangarap
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Lyneth at Michael, in a relationship na?

By EJ Chua
Published December 31, 2022 1:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gabbi Garcia, Khalil Ramos to star in Ben&Ben’s ‘Duyan’ MV
P44M alleged smuggled cigarettes seized off Davao de Oro
NLEX to increase toll fees starting January 20

Article Inside Page


Showbiz News

Abot Kamay Na Pangarap


Kaway-kaway sa mga Team Michael diyan!

Sa latest episode ng hit GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, masayang-masaya si Michael (Dominic Ochoa) na napasagot na niya si Lyneth (Carmina Villarroel).

Kahit na nagdadalawang isip, nagdesisyon na si Lyneth na subukan kung matutunan niyang mahalin ang dati niyang boss na si Michael.

Habang nag-uusap ang dalawa, sinabi ni Lyneth na ayaw niyang gamitin si Michael para lang makaiwas sa issue nila Doc RJ (Richard Yap) at Moira (Pinky Amador).

Kasunod nito ay nalungkot si Michael dahil pakiramdam niya ay wala na talaga siyang pag-asa kay Lyneth.

Nang matapos silang mag-usap, bigla na lang naalala ni Lyneth ang mga kabutihang ipinakita sa kaniya ni Michael mula pa noon hanggang ngayon.

Dahil sa kaniyang mga naalala, pinigilan niya sa pag-uwi si Michael at agad nitong sinabi ang mahalagang bagay na noon pa gustong marinig ng kaniyang manliligaw.

Sabi ni Lyneth kay Michael, “Subukan natin, susubukan kitang mahalin.”

Panoorin kung paano sinagot ni Lyneth si Michael sa video na ito:

Abangan ang mga susunod na kapana-panabik na eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.

SAMANTALA, SILIPIN ANG MOST MEMORABLE FATHER-DAUGHTER MOMENTS NINA DOC RJ AT ANALYN SA GALLERY SA IBABA: