
Sa episode ng GMA medical-inspirational drama series na Abot-Kamay Na Pangarap na ipinalabas ngayong Martes, April 4, inalala ni Madam Giselle (Dina Bonnevie) ang mapait niyang nakaraan.
Dahil patuloy na pinag-uusapan sa APEX Medical Hospital ang tungkol sa sanggol na iniwan ng isang babae sa kanilang restroom, hindi na kinaya ni Madam Giselle na itago ang kanyang nakaraan.
Nang makausap niya ang young at genius doctor na si Analyn (Jillian Ward), inamin niya rito na nagkaroon siya noon ng anak ngunit dahil hindi niya pa alam ang kanyang gagawin ay ipinamigay niya ang sanggol.
Maluha-luhang binalikan ni Madam Giselle ang lahat ng alaala na ito na gumugulo sa kanyang isipan.
Ibinigay niya raw ang kanyang baby sa mag-asawa na hindi magkaroon ng anak dahil na rin sa takot na mabigo niya ang kanyang ama na si Mang Joselito/Lolo Pepe (Leo Martinez).
Ikinuwento rin niya kay Analyn na makalipas ang pitong taon ay handa na siyang maging ina ngunit sa kasamaang palad ay nawala na ang kanyang anak.
Tila tuluyan nang napalapit ang loob ni Madam Giselle sa kanyang pamangkin na si Analyn.
May magagawa pa kaya sina Moira (Pinky Amador) at Zoey (Kazel Kinouchi) para makuha ang loob ni Giselle?
Samantala, panoorin ang eksenang ito:
Abangan ang mga susunod na tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:
KILALANIN ANG MGA AKTOR NA NAPANOOD BILANG GUESTS SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: