GMA Logo dina bonnevie
What's on TV

Dina Bonnevie grateful to be part of GMA's top-rating series 'Abot-Kamay Na Pangarap'

By EJ Chua
Published April 3, 2023 10:58 AM PHT
Updated April 3, 2023 6:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

dina bonnevie


Dina Bonnevie, sa pagkakabilang niya sa cast ng 'Abot-Kamay Na Pangarap': “Sana pala una pa lang nandoon na ako..."

Isa ang veteran actress na si Dina Bonnevie sa sinusubaybayan ngayon ng mga manonood sa top-rating at patuloy na nagte-trending na GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Sa katatapos lang na online media conference para sa serye, masayang ibinahagi ni Dina ang naramdaman niya nang malaman na niyang mapapabilang siya sa cast nito.

Pagbabahagi ng aktres, “Feeling ko nagiging family na rin ako… “Happy na ako na nakasali ako sa cast and… It's a very very good cast. Mahuhusay sila, It's a very happy cast and box office director naman talaga si Direk LA [Madridejos].”

Dagdag pa niya, “Minsan nga naisip ko sana pala una pa lang nandoon na ako. Pero okay lang kasi, sabi nga [hiling nga] ni Carmina [Villarroel] hanggang 2028 pa kami.”

Kasalukuyang napapanood si Dina sa naturang afternoon show bilang si Giselle Tanyag, ang bagong CEO sa APEX Medical Hospital, at kapatid ni Doc RJ Tanyag (Richard Yap).

Ayon pa kay Dina, kaabang-abang ang iba pang mga mangyayari sa role na kanyang ginagampanan sa hit GMA inspirational-medical series.

Binanggit din niya na excited siya tuwing mababasa niya ang script para sa kanyang karakter.

Samantala, patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

SILIPIN ANG AGELESS BEAUTY NI DINA BONNEVIE SA GALLERY SA IBABA: