GMA Logo Dina Bonnevie and Pinky Amador
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Madam Giselle, pinalayas si Moira sa APEX

By EJ Chua
Published May 18, 2023 6:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

AiAi Delas Alas sells wedding, engagement rings to Boss Toyo: ‘Para may closure na rin’
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Dina Bonnevie and Pinky Amador


Hindi talaga uubra ang kasamaan ni Moira sa katapangan ni Madam Giselle sa 'Abot-Kamay Na Pangarap'.

Sa patuloy na nagte-trending na GMA drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, natunghayan kung paano pinaalis ni Madam Giselle (Dina Bonnevie) si Moira (Pinky Amador) sa APEX Medical Hospital.

Matapos malaman ni Reagan (Jeff Moses) ang isa sa mga kalokohang ginawa ni Moira, hindi na siya nagdalawang-isip na sabihin ito kay Madam Giselle.

Noong una, tila ayaw siyang pakinggan ni Madam Giselle ngunit nang ipakita niya ang video na nagsisilbing ebidensya ng kasamaan ni Moira ay tila natulala siya sa kanyang nadiskubre.

Ang video na ipinakita ni Reagan ay sapat na bilang patunay na may kinalaman si Moira sa mabilis na pagkalat ng sikreto ni Madam Giselle tungkol sa kanyang anak.

Gigil na gigil si Madam Giselle nang makita niya si Moira sa kanilang ospital.

Sa katunayan, nakatikim pa ng malalakas na sampal si Moira mula sa kanyang sister-in-law.

Kasunod nito ay ipinatawag na niya ang ilang guards upang tulungan siyang paalisin ang huli sa APEX.

Malakas na sinabi ni Giselle na hindi na maaari pang makapasok si Moira sa kanilang ospital.

Nasaksihan ng mga empleyado ng ospital ang sagutan at matinding pag-aaway nina Giselle at Moira, at gulat na gulat ang lahat sa mga nangyari.

Panoorin ang eksenang ito:

Abangan ang susunod na mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

SILIPIN ANG SET NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: