
Mga Kapuso, may kakilala ba kayong kasing genius ni Analyn?
Sa pinakabagong GMA drama series na Abot Kamay Na Pangarap, kasalukuyang napapanood ang child star na si Heart Ramos bilang si Analyn Santos, ang karakter na kalaunan ay gagampanan din ni Jillian Ward.
Si Analyn ay ang mapagmahal at henyong bata na anak ni Lyneth, isang ina na hindi nakapag-aral.
Sa halos dalawang linggong pagpapalabas ng serye sa GMA Afternoon Prime, sunud-sunod na papuri at paghanga ang natatanggap ng programa hindi lang dahil sa nakaaantig nitong istorya kundi pati na rin sa kakaibang katalinuhan na mayroon ang anak ni Lyneth.
Panoorin ang videos na ito na nagpapatunay na isang certified genius si Analyn:
Organization of Nervous System in Humans
118 Chemical elements and their symbols
Analyn passed the Psychological Test
Nabitin ba kayo sa inyong mga napanood?
Panoorin ang iba pang episodes ng Abot Kamay Na Pangarap DITO:
Patuloy na subaybayan ang kuwento ni Analyn sa Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. pagkatapos ng Eat Bulaga.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY NA ITO: