
Sa nalalapit na pagpapalabas ng bagong afternoon drama series na inihahandog ng GMA-7, excited na ang maraming Kapuso kung sinu-sino ang mga aktor na kanilang mapapanood dito.
Ang Abot Kamay Na Pangarap ay pagbibidahan nina Jillian Ward at Carmina Villarroel. Ngunit bukod sa kanila, mapapanood din dito ang child star na si Heart Ramos.
Si Heart ay nakilala sa entertainment industry sa sunud-sunod na pagganap niya sa ilang child roles sa napakaraming television series at pati na rin sa mga pelikula.
Ngayong taon, kabilang ang young actress sa kaabang-abang na panibagong serye sa Kapuso Network.
Mapapanood si Heart sa Abot Kamay Na Pangarap bilang batang Analyn, ang karakter na gagampanan ng Kapuso star na si Jillian Ward.
Sa taping ng seryeng ito, kapansin-pansin sa ilang behind the scenes photos na tila komportable na si Heart sa kanilang mga eksena ng aktres na si Carmina Villarroel na mapapanood bilang si Lyneth, ang nanay ni Analyn.
Bukod sa role ni Carmina, kaabang-abang din ang mga karakter na bibigyang buhay nina Dominic Ochoa, Richard Yap, Dexter Doria, Wilma Doesnt, Ariel Villasanta, at marami pang iba.
Abangan ang acting skills ni Heart Ramos sa upcoming drama series na malapit nang mapanood sa GMA Afternoon Prime.
SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: