
Ngayong Miyerkules, July 19, sa GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap, matutunghayan ang patuloy na pagkukunwari ni Moira (Pinky Amador).
Sa bagong episode ng serye, matutunghayan ang paghaharap nina Moira at Lyneth (Carmina Villarroel) sa isang Masquerade Ball.
Suot ang kani-kanilang stylish outfit, magtatagpo muli ang dalawa.
Bukod kina Lyneth at Moira, magkikita rin muli sina Doc RJ (Richard Yap) at ang dati nitong kaibigan na si Doc Carlos (Allen Dizon).
Matatandaang may inilagay si Moira sa tumbler ni Lyneth dahil binabalak niyang ipahiya ulit ang huli sa harap ng maraming tao.
Sa pagkikita nila sa party, tila mag-aabang lang si Moira kung ano ang mangyayari kay Lyneth at kung gagana ang kanyang plano.
Para magpakitang gilas, magpapanggap si Moira na mabait na siya kay Lyneth sa harap ni Doc RJ.
Uubra kaya ang kanyang pagkukunwari?
Samantala, mapapahiya nga ba si Lyneth sa party o mabibigo si Moira?
Panoorin ang ilang pasilip na eksena sa bagong episode sa video na ito:
Patuloy na tumutok sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:
KILALANIN ANG MGA SUMUSUPORTA KAY DOC ANALYN SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: