GMA Logo abot kamay na pangarap teaser
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Reagan, isusumbong si Moira kay Madam Giselle

By EJ Chua
Published May 18, 2023 2:09 PM PHT
Updated May 18, 2023 5:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Artemis astronauts more than halfway to Moon, putting Earth in rearview
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

abot kamay na pangarap teaser


Isa sa mga sikreto ni Moira ang mabibisto na ngayong Huwebes sa 'Abot-Kamay na Pangarap.'

Ngayong Huwebes sa GMA's top-rating afternoon series na Abot-Kamay Na Pangarap, mabibisto na ang isa sa mga itinatagong kalokohan ni Moira (Pinky Amador).

Habang nasa parking area ng APEX, naabutan ni Reagan (Jeff Moses) na kausap ni Moira ang lalaking nagkalat ng balita tungkol sa inabandonang anak ni Madam Giselle (Dina Bonnevie).

Nang mahuli niya si Moira ay naisipan niyang kuhanan ng video ang kanyang nakita para mayroon siyang maipakitang ebidensya kay Madam Giselle, ang CEO ng APEX.

Sa bagong episode ng serye na may hashtag na #BistadoSiMoira, matutunghayan na kakausapin ni Reagan si Madam Giselle para sabihin sa huli ang kanyang nalaman.

Kaabang-abang ang magiging reaksyon ni Madam Giselle at kung ano ang gagawin niya kay Moira kapag nalaman na niyang siya pala ang nagpakalat ng balita at hindi si Doc Analyn (Jillian Ward).

Matatauhan na kaya ang sister-in-law ni Moira? Uubra pa ba ang pagbababait-baitan ni Moira kay Madam Giselle? Samantala, kumusta na kaya ang nanay ni Doc Analyn na si Lyneth?

Panoorin ang ilang pasilip na eksena sa episode na mapapanood sa video ito:

Abangan ang susunod na mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

SILIPIN ANG SET NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: