
Mga Kapuso, available na for download at online streaming worldwide ang original soundtrack ng GMA inspirational-medical drama na Abot Kamay Na Pangarap.
Pinamagatang "Sagot Sa Dalangin," ang official theme song ng Abot Kamay Na Pangarap, na tumutugma sa nakaaantig na kuwento ng mag-inang Lyneth at Analyn, ang mga karakter na ginagampanan nina Carmina Villarroel at Jillian Ward.
Ang musika ng serye ay isinulat ni Rina May L. Mercado at inawit naman ni Maricris Garcia.
Ilang mga Kapuso na ang na-LSS dito dahil mula September 5 ay naririnig na ang awiting ito sa simula at pagtatapos ng bawat episode ng programa.
Maaari ring mapakinggan ang kantang “Sagot Sa Dalangin” sa links na nasa ibaba:
Maaari ring pakinggan ang Abot Kamay Na Pangarap OST DITO.
Bukod kina Carmina at Jillian, kasalukuyan ding napapanood sa hit Kapuso serye ang mga aktor na sina Richard Yap, Dominic Ochoa, Kazel Kinouchi, Pinky Amador, Andre Paras, Wilma Doesnt, Chuckie Dreyfus, Ariel Villasanta, at marami pang iba.
Patuloy na subaybayan ang GMA drama series na Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, mapanood din ang programa via Kapuso livestream.
SILIPIN ANG SET NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: