
Bukod sa pagte-taping para sa ongoing GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap, abala rin si Jillian Ward sa kanyang personal na buhay.
Sa katatapos lang na online media conference para sa serye, isa sa ibinahagi ni Jillian ay ang pagkakaroon niya ng bagong investment.
Inilahad niya na ilang linggo lang matapos ang kanyang engrandeng debut ay bumili siya ng lote.
Kasunod nito, ini-reveal ni Jillian na ang kanyang Abot-Kamay Na Pangarap co-star na si Dominic Ochoa ang nag impluwensya sa kanya tungkol dito.
Pagbabahagi niya, “Few weeks after my birthday po, bumili ako ng lote kasi si Tito Dominic [Ochoa], sobrang impluwensya po… Sabi niya po, you should invest, magpagawa ka ng ganito… Naisip ko gusto… it would be good for my future…”
Ikinuwento rin ng aktres na tuwing magi-invest naman daw ang kanyang mga magulang ay tinatanong din nila ang opinyon ni Jillian.
Kasalukuyang napapanood ang young actress sa trending na serye bilang si Analyn, ang genius at pinakabatang doktor sa bansa, samantalang si Dominic naman ay napapanood dito bilang si Michael, ang tumayong ama ni Analyn na umiibig kay Lyneth (Carmina Villarroel).
Bukod kina Jillian, Dominic, at Carmina, napapanood din sa serye sina Richard Yap, Pinky Amador, Kazel Kinouchi, Dexter Doria, Che Cosio, Leo Martinez, Dina Bonnevie, at marami pang iba.
Patuloy na tumutok sa hit GMA inspirational-medical drama series, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:
BALIKAN ANG ILANG NAG-VIRAL NA EKSENA NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: