GMA Logo Jillian Ward
What's on TV

'Abot-Kamay Na Pangarap' star na si Jillian Ward, pinasaya ang fans sa isang float parade

By EJ Chua
Published January 17, 2023 1:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan to bring cloudy skies, light rains over PH
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward


'Abot-Kamay Na Pangarap' star na si Jillian Ward, muling pinagkaguluhan ng mga tagahanga sa Nueva Ecija!

Sa kabila ng kaniyang busy schedule para sa kaniyang ongoing serye na Abot-Kamay Na Pangarap, naglaan pa rin ng oras si Jillian Ward para muling makita nang personal ang kaniyang fans sa Nueva Ecija.

Nito lamang January 16, 2023, dinagsa ng mga tagahanga ang float parade ni Jillian, na isinagawa para sa pagdiriwang ng pista ng San Antonio sa Nueva Ecija.

Sa Facebook posts ng kaniyang fans, makikitang labis na napasaya ng young actress ang kaniyang fans na nakatagpo, nakawayan, at nakamayan niya sa naturang event.

Matatandaang unang bumisita sa Nueva Ecija si Jillian noong May 2022.

Samantala, napapanood ang teen actress sa Abot-Kamay Na Pangarap bilang isa sa mga bida sa naturang hit GMA series.

Ginagampanan niya rito ang karakter ng genius at pinakabatang doktor sa bansa na si Dra. Analyn Santos.

Siya rin ang mapagmahal na anak ni Lyneth, ang role naman ni Carmina Villarroel sa serye.

Bukod sa isa ang aktres sa mga inaabangan at hinahangaan ng mga manonood sa GMA Afternoon Prime, isa rin Jillian sa most followed celebrities ngayon sa social media.

Sa kasalukuyan, mayroon siyang 16 million followers sa Facebook, 3.7 million followers sa Instagram, at 5 million followers sa video sharing app na TikTok.

Patuloy na subaybayan ang excellent acting skills ni Jillian sa Abot-Kamay Na Pangarap mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at sa Kapuso livestream.

SAMANTALA, TINGNAN ANG BEACH PHOTOS NI JILLIAN WARD SA GALLERY SA IBABA: