
Patuloy na napapanood sa GMA ang hit medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Napakaraming mga Kapuso at iba pang viewers ang talaga namang nakatutok sa istorya at mga karakter sa serye.
Kabilang sa kanilang sinusubaybayan ay ang mahuhusay na mga doktor na sina Doc RJ Tanyag (Richard Yap), Doc Ray Meneses (Chuckie Dreyfus), at Doc Katie (Che Cosio).
Sa isa sa episodes ng serye na inabangan ng viewers, natunghayan ang ilang eksena ng tatlong doktor sa wedding nina Lyneth (Carmina Villarroel) at Doc Carlos (Allen Dizon).
Paborito ng ilang viewers, ang trio na sina Doc RJ, Doc Ray, at Doc Katie.
Bukod sa mahuhusay sila bilang mga doktor sa serye, may mabubuti ring puso ang kanilang mga karakter.
Kabilang sila sa mga taong tunay na hanga sa kakayahan ng pinakabatang doktor sa bansa na si Doc Analyn Santos, ang karakter ni Jillian Ward.
Sina Doc RJ, Doc Ray, at Doc Katie ay ang mga doktor na inabutan ni Doc Analyn sa APEX Medical Hospital.
Ano kaya ang susunod na mangyayari sa kanila sa serye?
Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:
Samantala, mga Dramarites, may chance kayong maging #FeelingBlessed ngayong holiday season.
Sumali sa GMA Afternoon Prime Dramarites Challenge para magkaroon ng pagkakataong manalo ng P5,000 daily at P50,000 sa grand raffle.
Tumutok lang sa Abot-Kamay Na Pangarap, Stolen Life, at The Missing Husband, mula Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m. hanggang 5:00 p.m.
Para sa iba pang detalye, bisitahin ang www.gmanetwork.com/DramaritesChallenge.