GMA Logo Chuckie Dreyfus and Jillian Ward
Courtesy: Chuckie Dreyfus (Facebook)
What's Hot

Chuckie Dreyfus reunites with Jillian Ward after 11 years

By EJ Chua
Published July 26, 2022 1:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Jalen Brunson's winner propels Knicks past Pacers
Joint probe underway in death of ex-DPWH Usec. Cabral
Heart Evangelista advocates for pet adoption on her social media

Article Inside Page


Showbiz News

Chuckie Dreyfus and Jillian Ward


Chuckie Dreyfus, masayang makakatrabaho muli si Jillian Ward sa panibagong drama series na mapapanood sa GMA-7.

Sa nalalapit na pagbabalik ni Jillian Ward sa GMA Afternoon Prime, ilang netizens ang excited sa panibagong drama series na kaniyang pagbibidahan.

Bukod dito, isang aktor ang masaya at nasasabik din ngayon dahil muli niyang makakatrabaho si Jillian sa isang proyekto.

Isa sa mga makakasama ng young aktres sa Abot Kamay Na Pangarap ay ang aktor na si Chuckie Dreyfus, na nakatrabaho na niya noong 2011 sa GMA musical fantasy series na Daldalita.

Nito lamang July 22 sa ginanap na pictorial ng serye, nagkitang muli sina Jillian at Chuckie makalipas ang 11 taon.

Sa Facebook post ng aktor, ibinahagi niya ang isang throwback at isang recent photo kasama ang Kapuso actress.

Ayon sa caption ni Chuckie, “Last time na nagkasama kami ni Jillian sa isang serye ay nung “Daldalita” pa 2011 pa 'yun. Grabe 11 years ago na ang nakalipas! Ang liit pa niya noon.

"So happy na magkakasama ulit kami ni Jillian sa bago naming serye na Abot Kamay Na Pangarap, coming very soon sa GMA Network.

Abangan si Chuckie Dreyfus sa pinakabagong seryeng inihahandog ng GMA Network sa mga Kapuso.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY NA ITO: