GMA Logo Ken Chan and Jillian Ward
What's on TV

'Abot-Kamay Na Pangarap' viewers, may hiling sa karakter ni Ken Chan

By EJ Chua
Published August 7, 2023 2:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Fallen pine tree causes traffic jam, power outage in Baguio City
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Ken Chan and Jillian Ward


Karakter ni Ken Chan sa 'Abot-Kamay Na Pangarap', patuloy na sinusubaybayan ng kanyang fans at Pinoy viewers.

Isa si Ken Chan sa mga leading man ni Jillian Ward sa GMA medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Sa naturang serye, isa ang karakter ng Sparkle star na si Ken Chan sa talaga namang inaabangan ng mga manonood.

Napapanood siya rito bilang si Doc Lyndon, ang katrabaho ni Doc Analyn (Jillian Ward) sa Eastridge Medical Hospital.

Ang ilang mga tagasubaybay ni Doc Lyndon, nire-request na sana raw ay huwag na nitong sungitan at sigawan palagi si Doc Analyn.

Ang ilang viewers naman, humihiling na sana ay si Doc Lyndon ang makatuluyan ng batang doktor sa serye.

Sa bagong episode ng serye na mapapanood ngayong Lunes, August 7, matutunghayan ang ilan pang intense na mga eksena ni Doc Lyndon.

Kaabang-abang kung paano aalamin ni Doc Lyndon ang sitwasyon ng kapwa niya doktor.

Mahuli na kaya siya ni Doc Analyn tungkol sa kanyang bisyo?

Panoorin ang ilang pasilip na eksena sa bagong episode sa video na ito:

Patuloy na tumutok sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: