GMA Logo abot kamay na pangarap
What's on TV

'Abot-Kamay Na Pangarap' viewers, nag-react sa kuwento ni Dra. Katie Enriquez

By EJ Chua
Published January 5, 2023 1:24 PM PHT
Updated January 5, 2023 1:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
D4vd arrested on suspicion of killing 14-year-old girl found decaying in Tesla
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

abot kamay na pangarap


Tila naka-relate ang mga manonood sa nararamdaman ni Dra. Katie Enriquez sa hit GMA Afternoon Prime series na 'Abot-Kamay Na Pangarap.'

Paganda nang paganda at patindi nang patindi ang mga eksenang natutunghayan ng mga Kapuso sa hit Kapuso series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Ang seryeng ito ay pinagbibidahan nina Jillian Ward at Carmina Villarroel.

Ngunit bukod sa lead actresses, isa sa mga karakter na sinusubaybayan din ngayon ng mga manonood ay ang role ni Che Cosio sa serye bilang si Dra. Katie Enriquez.

Si Dra. Katie ay kilala sa APEX Medical Hospital bilang matapang, istrikto, ngunit napakahusay na chief resident.

Habang si Moira (Pinky Amador) ay ipinipilit na magkaayos sila ng kaniyang asawa na si Doc RJ (Richard Yap), si Dra. Katie naman ay tila naguguluhan sa mga pangyayari matapos niyang muling makatagpo ang babaeng nakasakit sa kaniya noon.

Ang babaeng ito ay si Bea Almazan (Arny Ross), ang bagong pasyente ni Dra. Katie na dating naging kabit ng kaniyang asawa.

Hindi inaasahan ng chief resident na muli niyang maaalala ang lahat ng sakit na naramdaman niya noon dahil sa matinding problemang kinaharap niya sa kaniyang married life.

Samantala, labis na tumatak sa puso at isip ng ilang manonood ang mga sinabi ni Dra. Katie sa kaniyang asawa nang ipaalam niya rito na ang bago niyang pasyente ay ang naging kabit nito noon.

Ang mga sinabing ito ni Dra. Katie ay kasalukuyang pinag-usapan ngayon sa social media.

Ang ilan, nakaka-relate raw sa nararamdaman ng chief resident.

Panoorin ang episode na ito:

Abangan ang mga susunod na kapana-panabik na eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.

SAMANTALA, KILALANIN ANG ILANG CELEBRITIES NA NAPANOOD AT MAPAPANOOD SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: