
Tuluyan nang namaalam ang karakter ni Ariel Villasanta na si Cromwell sa GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Sa latest episode ng serye, ramdam ng mga manonood ang hinagpis nina Josa (Wilma Doesnt), Lyneth (Carmina Villarroel) at Analyn (Jillian Ward) nang malaman nila ang malungkot na balita na binawian na ng buhay si Cromwell (Ariel Villasanta).
Nabaril si Cromwell (Ariel Villasanta) dahil iniligtas niya si Lyneth (Carmina Villarroel).
Samantala, ang viewers at netizens ay nalungkot sa nangyari sa karakter ni Ariel sa serye.
Ang ilan, pinuri ang husay na ipinamalas ni Ariel Villasanta sa pamamagitan ng kanyang karakter na si Cromwell.
Narito ang ilang komento ng mga manonood tungkol sa pamamaalam ni Ariel sa programa:
Si Cromwell ay ang asawa ni Josa, ang karakter ni Wilma Doesnt sa serye.
Siya rin ang paboritong ninong ng young at genius doctor na si Analyn Santos, ang karakter na ginagampanan naman ni Jillian Ward sa hit GMA series.
Panoorin sa video na ito ang ilang pasilip sa mga eksenang mapapanood mamaya:
Huwag palampasin ang susunod na mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:
SILIPIN ANG SET NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: