GMA Logo abot kamay na pangarap
What's on TV

'Abot-Kamay Na Pangarap' viewers, napa-wow sa first look ng transformation ni Lyneth

By EJ Chua
Published June 9, 2023 2:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

abot kamay na pangarap


Pinag-uusapan ng mga manonood ang transformation ni Lyneth sa 'Abot-Kamay na Pangarap.' Tingnan dito:

Kilala ng Abot-Kamay na Pangarap viewers ang karakter ni Carmina Villarroel na si Lyneth bilang isang simpleng babae at ina.

Sa previous episodes ng serye, natunghayan na nagdesisyon na si Lyneth na makipag kampihan kay Madam Giselle (Dina Bonnevie) upang sabay silang maghiganti kay Moira (Pinky Amador).

Kasunod nito, nagplano si Madam Giselle na ipa-make over si Lyneth.

Sa latest episode ng naturang drama series na ipinalabas nito lamang Huwebes, June 8, napanood na ang first look ni Lyneth.

Napa-wow ang viewers ng serye nang makita ang bago at napakagandang itsura ng ina ni Doc Analyn (Jillian Ward).

Natunghayan din sa naturang episode na tila natulala si Doc Carlos (Allen Dizon) nang makaharap niya ang bagong Lyneth.

Narito ang reactions at comments ng ilang viewers sa first look ni Lyneth:

Silipin ang ilang eksenang mapapanood ngayong Huwebes sa video na ito:

Abangan ang susunod pang mangyayari sa buhay nina Lyneth at Analyn sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.

SILIPIN ANG BEST MOTHER-DAUGHTER MOMENTS NINA LYNETH AT ANALYN SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: