GMA Logo Jillian Ward at Carmina Villarroel
What's on TV

'Abot Kamay Na Pangarap' stars na sina Jillian Ward at Carmina Villarroel maswerte raw sa isa't isa?

By EJ Chua
Published October 21, 2022 9:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos says assets of firms, 2 solons linked to flood control mess now frozen
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward at Carmina Villarroel


Carmina Villarroel, sinabing may instant connection sila ni Jillian Ward sa pagganap bilang mag-ina sa 'Abot Kamay Na Pangarap.'

Mas exciting na episodes ang dapat pang abangan ng mga Kapuso sa GMA inspirational-medical drama na Abot Kamay Na Pangarap.

Bukod sa hospital scenes, kaabang-abang din ang mga susunod na magaganap sa buhay ng mag-inang Lyneth (Carmina Villarroel) at Analyn (Jillian Ward).

Sa segment ng 24 Oras na Chika Minute na ipinalabas kagabi, October 20, nagkuwento ang lead stars ng serye tungkol sa pakiramdam nila sa isa't isa habang ginagampanan ang kanilang mga karakter bilang mag-ina.

Pahayag ni Jillian, “Magtinginan lang po kami [Carmina], naiiyak na kaming dalawa.”

Kuwento naman ni Carmina, “May mga scenes naman na hindi ko kailangang umiyak pero kapag umiiyak siya [Jillian], naiiyak din ako.”

Sabi pa niya sa teen star, “Swerte tayo, maswerte tayo sa isa't isa kasi bihirang mangyari iyon sa katrabaho mo na may instant connection.”

Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com kina Jillian at Carmina, una na nilang ibinahagi na napapaiyak nila ang production team ng programa sa tuwing sila ang magka-eksena.

Samantala, ilan pa sa mga eksenang dapat abangan sa serye ay ang appearance ng real-life doctors at content creators na sina Dr. Alvin Francisco at Dr. Kilimanjaro Tiwaquen.

Nasa ikapitong linggo na ang serye at patuloy pa rin itong nakatatanggap ng mainit na suporta mula sa mga manonood sa telebisyon at pati na rin sa social media.

Sabay-sabay pa natin abangan ang mas kapana-panabik na mga eksena sa GMA drama series na Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.

Maaaring balikan ang mga nagdaang episode ng Abot Kamay Na Pangarap dito.

SILIPIN ANG SET NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: