GMA Logo Jillian Ward and Kazel Kinouchi
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Zoey, pinayagan nang makita ulit ni Analyn si Doc RJ

By EJ Chua
Published March 4, 2023 6:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Comelec Chairman Garcia on 18 ex-bodyguards' allegation: Big lie
Man flashes private part to 2 women in public in Iloilo
Lani Misalucha celebrates timeless artistry with this jewelry brand

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward and Kazel Kinouchi


Analyn, muling nakalapit sa kanyang ama na si Doc RJ! #AbotKamayNaPangarap

Sa isa sa episodes ng GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, natunghayan ng mga manonood ang biglaang pagyakap ni Analyn (Jillian Ward) kay Zoey (Kazel Kinouchi).

Matapos ang ilang panahong pagtitiis at pangungulila sa kanyang ama, muling nakalapit si Analyn kay Doc RJ (Richard Yap).

Mula nang ma-comatose si Doc RJ, pinagbawalan ni Zoey ang batang doktor na lumapit dito.

Isang araw, labis na nagulat si Analyn nang payagan na siya ng bully doctor na makitang muli ang kanyang ama.

Kasunod ng pagpayag ni Zoey, hindi na napigilan ng young at genius doctor na maluha at bigla na lamang niyang niyakap ng mahigpit ang una.

Nang maabutan ni Zoey na kinakausap na ni Analyn si Doc RJ, naging emosyonal siya nang maisip niyang ang kinalakihan niyang buhay ay nabuo sa isang kasinungalingan.

Buong akala kasi niya ay si Doc RJ ang kanyang tunay na ama.

Ipauubaya na kaya ni Zoey si Doc RJ sa tunay niyang anak na si Analyn?

Panoorin ang eksenang ito:

Huwag palampasin ang mga susunod na pasabog na mga eksena sa hit GMA inspirational-medical drama series, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.

BALIKAN ANG ILANG NAG-VIRAL NA EKSENA NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: