GMA Logo Klea Pineda Jillian Ward Kazel Kinouchi Abot Kamay Na Pangarap Abot Kamay Na Pangarap
Courtesy: GMA Network
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Zoey, walang mamanahin mula kay Lolo Pepe?

By EJ Chua
Published January 4, 2024 12:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: January 16, 2026
Mga Balikbayan nga Makig-Sinulog sa Cebu, Mainitong Gisugat | Balitang Bisdak
Farm To Table: Panalo sa sarap!

Article Inside Page


Showbiz News

Klea Pineda Jillian Ward Kazel Kinouchi Abot Kamay Na Pangarap Abot Kamay Na Pangarap


Bigo nga ba si Zoey tungkol sa mana? Abangan sa 'Abot-Kamay Na Pangarap.'

Isang seryosong pagtitipon ang matutunghayan sa bagong episode ng hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Ngayong Huwebes, January 4, 2023, pag-uusapan ng Tanyag family at iba pang mga kaanak ni Lolo Pepe (Leo Martinez) ang tungkol sa last will ng huli.

Magkikita sa meeting ang mga apo ni Lolo Pepe na sina Analyn (Jillian Ward) at Justine (Klea Pineda).

Muli namang magkakaharap-harap ang mag sister-in-law na sina Giselle (Dina Bonnevie) at Moira (Pinky Amador).

Naroon din ang only son ni Lolo Pepe na si Doc RJ (Richard Yap), na ama ni Analyn.

Sa naturang episode, mayroong mga mabibigla sa kanilang maririnig mula sa attorney ni Lolo Pepe.

Tama nga ba ang maririnig ni Moira na hindi kabilang ang kanyang anak na si Zoey (Kazel Kinouchi) sa mga magmamana ng ilan sa properties ni Lolo Pepe?

Mayroon pa bang ibang nakakaalam ng mga katotohanang nalaman ni Lolo Pepe tungkol sa kasinungalingan nina Moira at Zoey?

Silipin ang ilang eksenang mapapanood ngayong Huwebes sa video sa ibaba:

Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: