GMA Logo Michaela (Lee Sung-kyung)
What's Hot

About Time: Patuloy na iniiwasan ni Michaela si Dino

By Abbygael Hilario
Published September 20, 2022 7:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gabbi Garcia, Khalil Ramos to star in Ben&Ben’s ‘Duyan’ MV
P44M alleged smuggled cigarettes seized off Davao de Oro
NLEX to increase toll fees starting January 20

Article Inside Page


Showbiz News

Michaela (Lee Sung-kyung)


Kahit na iniiwasan ni Michaela si Dino, siya pa rin ang tinitibok ng puso nito!

Patuloy ang pag-iwas ni Michaela (Lee Sung-kyung) kay Dino!

Matapos malaman ni Michaela na humahaba ang buhay niya dahil napupunta sa kaniya ang oras ni Dino (Lee Sang-yoon), sinubukan niyang iwasan ito.

Ngunit kahit na anong gawin niyang paglayo, hindi mapaghihiwalay ang pusong nag-iibigan!

Patuloy namang ipinipilit ni Cielo (Im Se-mi) ang kaniyang sarili kay Dino. Pababagsakin niya ang kumpanya nito at sisiraan sa iba nilang investors!

SOURCE: GMA Network

Patuloy rin ang iringan sa pagitan ni Dino at Jason dahil sa pagpili ng cast para sa musical show nila!

Naghahanap ulit si Jason (Kim Dong-jun) ng bagong bida para sa kaniyang musical show na papalit kay Janna. Gusto niyang magsagawa ulit ng audition para dito ngunit hindi ito sinang-ayunan ni Dino!

Ano kaya ang gagawin ni Dino matapos siyang siraan ni Cielo? Magiging maayos na kaya sila ni Michaela? Sino kaya ang papalit sa role ni Janna?

Abangan sa huling linggo ng 'About Time,' 10:20 p.m., sa GMA Network.

KILALANIN SI LEE SUNG-KYUNG SA GALLERY NA ITO: