
Pagkalabas ng Bahay ni Kuya, diretso na sa bakbakan si AC Bonifacio sa primetime action drama series na Lolong: Pangil ng Maynila.
Magiging guest star sa serye ang ex-PBB housemate na tinaguriang Ang Dedicated Showstopper ng Canada.
Muli silang magkakasama dito ng ka-duo at kapwa ex-PBB housemate na si Ashley Ortega.
Base sa suot ni AC sa isang behind-the-scenes dance video kasama sina Ashley at Rochelle Pangilinan, gaganap din siya bilang isang special investigations unit agent.
Magiging kalaban o kakampi kaya siya ni Lolong (Ruru Madrid)?
Abangan si AC Bonifacio sa Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.