
All-out na good vibes at tawanan ang hatid nina Sanya Lopez at Kakai Bautista sa isang video.
Reunited kamakailan lang sina Sanya at Kakai na parehong kabilang sa cast ng First Yaya na ipinapalabas ulit ngayon sa GMA.
Lumabas ang natural na pagkakwela nila sa acting challenge na labis na kinagiliwan ng mga nakapanood na nito at ng kanilang fans.
Sabay nilang sinubukan ito pero sa umpisa pa lang ay tawang-tawa na agad ang dalawa na para bang hindi sila matatapos sa content.
Imbes na “Wow, okay”, ginawa nila ang challenge na ang linyahan nila ay “First Yaya na.”
Mababasa sa comments section na bukod sa followers at fans nina Sanya at Kakai, napa-react din ang co-star nila sa serye na si Pancho Magno.
Sa recent Instagram post ni Thia Thomalla, makikita ang throwback na kulitan at bonding moments ng buong cast.
Samantala, subaybayan ang love story ng pretty yaya at ang pogi politician na ginagampanan nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.
Related gallery: KILALANIN: Sanya Lopez, Gabby Concepcion, at iba pang bida ng 'First Yaya'
Mapapanood ang First Yaya tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. sa GMA at 11:25 p.m. naman sa GTV.