GMA Logo barbie forteza david licauco in maging sino ka man
What's on TV

Action scenes ni David Licauco sa 'Maging Sino Ka Man' pilot episode, makapigil-hininga

By Jansen Ramos
Published September 12, 2023 4:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

barbie forteza david licauco in maging sino ka man


Proud si Barbie Forteza sa kanyang 'partner' na si David Licauco dahil sa buwis-buhay na action scenes nito sa 'Maging Sino Ka Man.'

Unang episode pa lang, matinding aksyon na agad ang nasaksihan ng viewers sa bagong GMA Telebabad series na Maging Sino Ka Man.

Napanood dito ang buwis-buhay na pakikipaglaban ni Carding, played by David Licauco, habang nasa trailer truck.

Ayon kay David, dugo't pawis ang naging puhunan niya sa eksenang ito.

"I think itong teleserye na ginawa namin talagang pinaghirapan namin, and I think this will give them different emotions," bahagi ng aktor sa panayam ni Nelson Canlas sa 24 Oras kagabi, September 11.

Kabilang sa stunts ni David ang pakikipagsuntukan habang nasa eskinita.

Sa serye, mala-palos sa liksi si Carding habang nakikipaghabulan para ipagtanggol ang sarili. Talagang action star level na talaga si David, ayon sa netizens.

Habang nasa taping, nagkaroon ng watch party ang cast ng Maging Sino Ka Man.

Tila nasa boxing ring ala Manny Pacquiao si Carding habang chine-cheer ito ng mga taong nanonood sa paligid.

Nagbigay naman ng mensahe si David at ang kanyang kaparehang si Barbie Forteza sa isa't isa sa pagsisimula ng kanilang bagong project together.

Ani David kay Barbie, "I'm really, really proud of you dahil, siyempre, sa Maging Sino Ka Man. Imagine mo nasa Maria Clara at Ibarra lang tayo 'tapos ngayon nandito na tayo sa Maging Sino Ka Man so I'm just really proud of you and I can't wait to see what's in store for you and ang galing mo."

Humanga naman si Barbie sa dedikasyon ni David na ibinigay nito para sa kanyang role.

Sabi ni Barbie kay David, "You've come a long way since Maria Clara at Ibarra and I'm so proud of you, as well, dahil talagang dedicated ka talaga sa role ni Carding kaya excited na rin ako para sa mga Kapuso natin na makilala ang bagong Carding and I can't wait to share the screen with you again, partner."

Ang Maging Sino Ka Man ay isang special limited series na hango sa 1991 film na may parehong pamagat. Ito ay mula sa direksyon ni Enzo Williams.

Ito ang pangalawang serye nina Barbie at David matapos ang Maria Clara at Ibarra kung saan nakilala sila bilang FiLay.

Mapapanood ang Maging Sino Ka Man Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA, I Heart Movies, Pinoy Hits, at online via Kapuso Stream. Ipinapalabas din ito sa GTV weekdays sa ganap na 9:40 p.m.

Available naman ang catch-up episodes at episodic highlights ng serye sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA owned and operated online platforms.