
Certified trending ang pilot episode ng bagong inaabangang GMA Telebabad series na Maging Sino Ka Man.
Nakuha ng #MSKMWorldPremiere ang top spot sa trending list ng Twitter Philippines kagabi, September 11, kasabay ng premiere ng action-drama series. Nakalikom ito ng mahigit 18,000 tweets.
Kabilang rin sa mga pinag-usapang topic sa Twitter ang #MagingSinoKaManGMA at ang mga mga bida nitong sina Primetime Princess Barbie Forteza at Pambansang Ginoo David Licauco na gumaganap bilang Monique at Carding sa serye.
Sa pilot episode, napanood ang pagnanakaw ni Carding ng mga mamahaling relo sa isang umaandar na container truck.
Habang nasa loob ng truck, nakorner si Carding ng mga tauhan ni Frank (ER Ejercito) sa pangunguna ni Jonas (Antonio Aquitania).
Pinaghahabol siya ng mga ito hanggang sa mga eskinita at nakipagbugbugan para maligtas ang kanyang sarili.
Ayon sa isang netizen, makapigil-hininga ang fight scenes ni David.
Graveh ang intense at makapigil hininga ang mga eksena at halos nagtitilian ang mga tao sa lugar nmin sa tindi ng mga ganap. Jusko ngaun palng congrats na Kamuning Barda Fans at sa bmbuo ng serye ito. Another hit teleserye na naman itopic.twitter.com/3LOYQLoSgx#MSKMWorldPremiere
-- Madam Beki Not Vidanes❤️💙💚 (@MadamWanderBeki) September 11, 2023
Habang nakikipaghabulan, hinarang ni Carding ang isang babaeng nagmamaneho ng motor at sumakay. Ang babae ay si Monique, isang artist na papunta sa isang art exhibit para makipagkita sa kanyang kliyente.
Sa unang episode pa lang, nagbardagulan na agad sina Carding at Monique, na binansagang 'MonDing' ng isang Twitter user.
I really love this scene unang ganap BarDagulan agad hahahahaha MonDing hate-love rls started here 🤭
-- Sheem 🤍 (@sheem0617) September 11, 2023
BarDaComeback#MSKMWorldPremiere pic.twitter.com/7xfAvRg6ge
"Great start" naman para sa fans nina Barbie at David ang pilot episode ng kanilang comeback project na Maging Sino Ka Man dahil sa kanilang "bardahan" o ang pagiging tila aso't pusa nila na tumatak sa Maria Clara at Ibarra.
carding and monique first interaction 🤣 stress na stress si monique tapos si carding, parang siya pa galit.
-- eve (@4mywhys) September 11, 2023
bardahan, great start for all of us, barda fans.
BarDaComeback#MSKMWorldPremiere pic.twitter.com/M7Q6modGMZ
Ipinakilala rin sa pilot episode ng Maging Sino Ka Man ang papel ni Jean Garcia bilang Belinda, ang ina ni Monique. Siya ang naturang kliyente ni Monique na ina rin nito na nais makuha muli ang loob ang anak matapos niyang iwan ito.
Napanood na rin si Mikoy Morales bilang Libag, best friend ni Carding, at si Rain Matienzo, ang kaibigang art curator ni Monique.
Ang Maging Sino Ka Man ay isang special limited series na hango sa 1991 film na may parehong pamagat. Ito ay mula sa direksyon ni Enzo Williams.
Ito ang pangalawang serye nina Barbie at David matapos ang Maria Clara at Ibarra kung saan sila nakilala sila bilang FiLay.
Mapapanood ang Maging Sino Ka Man Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA, I Heart Movies, Pinoy Hits, at online via Kapuso Stream. Ipinapalabas din ito sa GTV weekdays sa ganap na 9:40 p.m.
Available naman ang catch-up episodes at episodic highlights ng serye sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA owned and operated online platforms.
KILALANIN ANG IBA PANG CAST MEMBERS NG MAGING SINO KA MAN.