GMA Logo Adrian Lindayag
What's Hot

Adrian Lindayag, gaganap bilang trans woman sa 'Scammer Friend' ng 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published July 28, 2022 6:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Driver dies after truck falls into ravine in Sarangani
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Adrian Lindayag


Abangan si Adrian Lindayag bilang Frances, isang trans woman na nabiktima ng scammer na kaibigan ngayong Sabado sa 'Wish Ko Lang.'

Tampok ngayong Sabado sa "Scammer Friend" episode ng Wish Ko Lang ang kuwento ng trans woman na si Frances, isang mapagmahal na anak sa kanyang mga magulang na nagsikap makapagtapos ng pag-aaral para makatulong sa pamilya. Bibigyang buhay ni Adrian Lindayag ang kuwentong ito.

Dahil sa tiyaga at angking talino, agad na nakahanap ng maayos na trabaho si Frances. Ang iniipon na pera ay inilalaan nito para unti-unting maipaayos ang kanilang bahay.

Pero sa isang iglap, ang lahat ng naipon ni Frances ay naglahong parang bula dahil sa panloloko ng sarili niyang kaibigan na si Jem (Jenzel Angeles). Mababawi pa kaya ni Frances ang mga pinaghirapan?

Makakasama rin ni Adrian sa episode na ito sina Tina Paner, Richard Quan, Neil Coleta, at Robic Villanueva.

Huwag palampasin ang "Scammer Friend" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, July 30, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

TINGNAN ANG SOCIAL MEDIA STARS NA NAPANOOD NA SA WISH KO LANG DITO: