What's Hot

Adrianna So, papayag bang maging kaibigan ang kanyang ex-boyfriend?

By Aaron Brennt Eusebio
Published October 6, 2020 7:04 PM PHT
Updated October 7, 2020 9:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

adrianna so gameboys


Sa istorya ng 'Gameboys,' ang karakter ni Adrianna So na si Pearl ay naging best friend ni Gavreel (Kokoy de Santos), na kanyang ex-boyfriend. In real life kaya, papayag si Adrianna na maging kaibigan ang kanyang ex-boyfriend?

Kinuwento ng aktres na si Adrianna So na may kaibigan siya sa totoong buhay na nagkaroon ng boyfriend ang kanyang ex-boyfriend.

Sa online boys love (BL) series na Gameboys, ex-boyfriend ng karakter ni Adrianna na si Pearl si Gavreel, na ginagampanan ni Kokoy de Santos.

Kalaunan, naging third-wheel si Pearl nina Gavreel at ang boyfriend nitong si Cairo, na ginagampanan ni Elijah Canlas.

“Honestly, wala pa naman akong na-experience na ganoon,” pag-amin ni Adrianna sa GMANetwork.com.

“Although meron akong friend na naka-experience na ng ganun and nakakatuwa kasi accepting din siya doon sa [same-sex] relationship. So, healthy pa rin.

“Para sa akin kasi, healthy 'yung 'wag natin ipilit 'yung isa't isa kung hindi naman tayo para sa isa't isa.”

Dagdag pa ni Adrianna, pabor siya sa pakikipagkaibigan sa kanyang ex-boyfriend kapag nagkataon.

Aniya, “Feeling ko kasi ok lang siya as long as healthy 'yung bonding, naka-let go na 'yung both parties sa kung ano man meron sila, and na-accept na nila sa sarili nila na hindi talaga.

“So, possible siyang mangyari in real life.”

Aminado rin si Adrianna na pati sa totoong buhay ay gusto niya good vibes lang ang mga magkarelasyon niyang kaibigan, tulad ng kanyang karakter na si Pearl.

“Since nauso 'yung social media, minsan napapansin ko may mga friends ako na sa social media sila nag-aaway,” kuwento ni Adrianna.

“So hindi ko masyado gustong nakikita na 'yun so as much as possible, gusto ko medyo private.

“And gusto ko lang happy 'yung mga tao.

“So medyo ganun ako pero hindi naman to the extent ni Pearl, I mean extreme naman si Pearl kasi.”

Dahil sa kanyang karakter na si Pearl, nabansagan din si Adrianna na "Pambansang Third Wheel." Pero in real life kaya third wheel rin siya o masaya ang kanyang pag-ibig?

Alamin ang sagot sa video sa itaas.

Pearl Next Door

Magkakaroon ng spin-off series ang 'Gameboys,' ang girls love (GL) series na 'Pearl Next Door' kung saan tatalakayin naman ang lovelife ni Pearl. / Source: adriannaso_ (IG)

Mapapanood na ngayong October ang Pearl Next Door, na pinagbibidahan ni Adrianna kasama sina Rachel Coates, Iana Bernandez, Philip Hernandez, at Cedrick Juan.

Adrianna So, inaming nahirapan sa 'Gameboys'

Adrianna So, natutuwang maraming natulungan ang 'Gameboys'