GMA Logo aeron cruz
Photo by: Ogie Diaz YT, Aeron Cruz
What's Hot

Aeron Cruz, paano mas naging close kay Vhong Navarro?

By Kristine Kang
Published August 6, 2024 5:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 19, 2025
Davao City expands incentives to attract more investors
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

aeron cruz


Aeron Cruz kay Vhong Navarro, "Napakabuti niya pong tao."

Hinding- hindi raw malilimutan ng former model at aktor na si Aeron Cruz ang kabaitang ipinakitasa kanya ng It's Showtime host na si Vhong Navarro.

Noong 2022, nakasama kasi ni Aeron ang aktor habang siya'y nakakulong noon sa Taguig City Jail.

Sa kanyang panayam kasama ang showbiz vlogger at talent manager na si Ogie Diaz, ikinuwento ng dating modelo ang karanasan nila ni Vhong bilang magkaibigan sa kulungan.

Sa umpisa, wala raw kasing karamay o kakilala ang aktor nang pumasok siya sa bilangguan. Pero dahil sa warden-in-charge, nakilala ulit ni Vhong si Aeron.

"Naging maging kaibigan po kami. Sabay po kami kumakain, sabay po kami nagba-basketball. Kasi nu'ng first time po niya na pag-apak doon, wala po siyang friend," kuwento ni Aeron.

Una nang nakilala ni Aeron ang actor-TV host nang sumali siya sa "Gandang Lalake Bidaman" ng It's Showtime. Pero dahil sa malaking pagbabago ni Aeron, hindi siya namukhaan kaagad ni Vhong.

Habang nasa bilangguan, nakita umano ni Aeron ang kabutihan ni Vhong.

"Meron po siyang natulungan na walang-wala. Hindi dinadalaw. Kaya napakabuti niya pong tao," sabi ni Aeron.

Maliban sa pamimigay ng pagkain galing labas, nagbibigay rin si Vhong ng ayuda para sa mga mahihirap na preso.

Isa rin sa hindi malilimutan ni Aeron tungkol aktor ay ang emosyonal niyang paglaya.

Niyakap daw kasi siya nang mahigpit at sinabi, "Kuya Aeron, kumapit ka lang. Huwag mawawala 'yung hope at saka 'yung faith. Maniwala ka ikaw na ang next na lalaya."

Naaresto si Aeron noong July 16, 2019 dahil sa diuman'y set-up buy-bust operation. Ngunit pagkatapos ng mahabang pagdasal at hiling, nakalaya at acquitted siya sa kaso.

Sa kanyang paglaya, nais makita ni Aeron si Vhong para kumustahin. Pero hindi pa sila nagkakaroon ng pagkakataon para rito.

Kuwento ni Aeron, nag-video call muna silang dalawa at naging emosyonal tungkol sa kaniyang paglaya.

Samantala, balikan ang mga kontrobersiyang kinasangkutan noon ng celebrities dahil sa umano ilegal na droga: