What's on TV

Agaw-buhay na katawan ni Cheska sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos
Published July 3, 2020 5:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LPA spotted east of Central Luzon; frontal system brings rains to Northern Luzon
Mimiyuuuh on denim: A staple that never goes out of style
Make Your Marc Season 3 Finale: Vegas, Vision, and Filipino Excellence on the Global Stage

Article Inside Page


Showbiz News

Kyline Alcantara in Kambal Karibal


Makabalik pa kaya si Crisel sa katawan ni Cheska?

Sa Episode 75 ng Kambal, Karibal, napilitan si Crisel (Pauline Mendoza) na mag-roller skate para hindi mahalata ni Patricia (Eliza Pineda) ang kanyang sikreto.

Magaling kasi si Cheska (Kyline Alcantara) sa pag-ro-roller skate kaya minarapat ni Crisel na magpanggap na marunong siya nito.

Sa kasamaang palad, naaksidente siya at nabagok ang ulo sanhi ng lakas ng impact ng kanyang pagkakahulog.

Labis ang pighati ni Crisel nang mag-agaw buhay ang katawan ni Cheska dahil ito lamang ang paraan para siya ay mabuhay.

Makabalik pa kaya si Crisel sa katawan ng huli kapag nagkaroon na ito ng malay?

Balikan ang eksenang 'yan:

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.