GMA Logo kim rodriguez and faye lorenzo with sheryl cruz
What's Hot

Agawan ng bangkay ng misis at kerida, tampok sa bagong 'Wish Ko Lang'

By Racquel Quieta
Published November 27, 2020 6:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

GMA Kapuso Foundation builds four new classrooms in Bohol this year
Balitang Bisdak: December 15, 2025 [HD]
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

kim rodriguez and faye lorenzo with sheryl cruz


Stars ng “Agawan ng Bangkay” episode ng bagong 'Wish Ko Lang,' nagbahagi ng mga "kabaliwan" na ginawa nila at hindi gagawin para sa pag-ibig.

Isang mister ang pag-aagawan hanggang sa kamatayan ng kanyang misis at kerida. 'Yan ang kontrobersyal na istoryang tampok sa “Agawan ng Bangkay” episode ng bagong 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado.

sheryl cruz with anjo damiles and kim rodriguez

Mister, pag-aagawan ng misis at kerida ang bangkay / Source: Wish Ko Lang

Ang malala pa, tila nawala na sa katinuan ang kerida dahil kanyang hinukay at inuwi ang bangkay ng namayapang karelasyon.

Ang 'Magkaagaw' star na si Sheryl Cruz ang gaganap bilang asawa ng namayapang mister, na siya namang gagampanan ni Kapuso actor Anjo Damiles.

faye lorenzo and sheryl cruz

Sina Faye Lorenzo at Sheryl Cruz / Source: Wish Ko Lang

Si Kapuso actress Kim Rodriguez naman ang gaganap bilang kerida na nagnakaw ng bangkay.

Kasama rin sa episode na ito sina 'Bubble Gang' star Faye Lorenzo at komedyanteng si Pepita Curtis.

kim rodrigruez

Si Kim Rodriguez sa “Agawan ng Bangkay” episode / Source: Wish Ko Lang

Ang stars ng “Agawan ng Bangkay” episode na sina Anjo Damiles at Kim Rodriguez, nagbahagi ng mga “kabaliwan” na minsan nilang ginawa para sa pag-ibig.

Para kay Anjo ang pag-effort niya para i-surprise ang kanyang nobya ang itinuturing niyang “kabaliwan” na ginawa niya.

“Craziest thing na ginawa ko for love is inabangan ko girlfriend ko sa labas ng condo niya nang hindi niya alam, at ako naman, galing akong out of town work.”

Si Kim naman ay buong tapang na lumipad patungong ibang bansa nang mag-isa para sa pag-ibig.

“First-time ko mag-travel mag-isa papuntang New Zealand and stayed there for almost two months.”

Gayunpaman, may mga bagay pa rin daw silang hinding-hindi gagawin para sa pag-ibig.

Ayon kay Anjo, hinding-hindi raw niya kikitilin ang sariling buhay kapag nabigo sa pag-ibig dahil hindi naman daw ito ang sagot sa problema.

Para naman kay Kim, hinding-hindi niya raw tutularan ang ginawa ng kanyang karakter sa “Agawan ng Bangkay” episode.

“Well, kapag nagmahal kasi ako, lahat binibigay ko nang buo. Bulag din ako pagdating sa pag-ibig pero hindi na siguro ako aabot sa kagaya ng role ko na sobra nang obsessed kahit na patay na e nakukuha pa rin i-keep o alagaan 'yung yumao.

“Kailangan mo pa rin irespeto 'yung bangkay niya bilang tao.”

kim rodriguez

Si Kim bilang kerida na nagnakaw ng bangkay ng karelasyon / Source: Wish Ko Lang

Ikinuwento rin nina Kim at Anjo kung bakit naging memorable para sa kanila ang “Agawan ng Bangkay” episode.

Ani Anjo, “Most memorable at most challenging para sa akin ay 'yung mapasok ako sa loob ng kabaong. Sobrang takot na takot ako noon, parang hindi makahinga. Pero nairaos ko naman! (laughs)”

Sabi naman ni Kim, “Memorable 'yung buong Wish Ko Lang episode ko na 'to. First time ko maka-experience ng ganung role at naisip ko rin na nangyayari rin pala talaga sa totoong buhay 'yung obsessed 'yung isang tao at wala siyang ibang nakikita kundi 'yung taong mahal niya.”

Huwag palampasin ang kakaiba at kontrobersyal na kuwentong tiyak kapupulutan ng aral at inspirasyon sa bagong 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA-7.

RELATED CONTENT:

Manalo ng negosyo package sa 'Tuloy Pa Rin Ang Pasko" promo ng bagong 'Wish Ko Lang'