
Tuloy pa rin ang Pasko sa bagong Wish Ko Lang kahit tayo ay nasa gitna ng pandemya.
Ngayong panahon ng Pasko, maaari mo na ring mapanalunan ang mga regalong ibibigay ng Fairy Godmother na si Vicky Morales sa wisher na tampok sa episode.
Tuloy ang pamimigay ng regalo ngayong Pasko ng Fairy Godmother ng Bayan-pati sa lucky Facebook followers! / Source: Wish Ko Lang
Kung lagi kang napapasabi ng “Sana All!” tuwing namimigay si Vicky ng regalo sa episode ng bagong 'Wish Ko Lang,' ngayon maaari nang magkatotoo 'yan!
Sa "Tuloy Pa Rin Ang Pasko" promo, kung anuman ang mga regalong ibibigay ng Fairy Godmother ng Bayan sa wisher na tampok sa episode, mapananalunan din ng lucky viewer na follower din ng official Facebook page ng bagong Wish Ko Lang.
Halimbawa ng mga regalong maaaring mapanalunan sa 'Tuloy Ang Pasko' promo / Source: Wish Ko Lang
Halimbawa, binigyan ng food cart business ang wisher sa episode, 'yon din ang eksaktong mapananalunan ng viewer na follower ng bagong Wish Ko Lang sa Facebook.
Hindi na rin kailangang lumabas pa ng bahay para makuha ang regalo dahil ipadadala na ito ng programa sa iyong tahanan.
Ilan sa mga regalo na maaaring mapanalunan sa "Tuloy Pa Rin Ang Pasko" promo ay bigasan business, food cart business, beauty business, at hotel staycation.
Kaya kung gusto mong manalo ng mga nasabing regalo, i-like at i-follow na ang official Facebook page ng bagong Wish Ko Lang.
Hangad ng programa na maghatid ng saya at pag-asa ngayong panahon ng Pasko, kahit na may pinagdadaanan tayong pandemya.
Sabi nga ni Vicky, “Ngayong Kapaskuhan, walang iwanan sa bagong Wish Ko Lang!”
Kaya naman tuluy-tuloy na tumutok sa bagong Wish Ko Lang tuwing Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA-7.
TINGNAN: Mga eksena sa 'Pinutulan' episode ng bagong 'Wish Ko Lang'
'Napagkamalang Aswang' episode ng bagong 'Wish Ko Lang,' may 8.8M views na sa FB!