
Nagpapatuloy sa paghahatid ng mga kuwentong kababalaghan na puno ng aral at kaalaman ang pangatlong special offering ng AHA October Shockers.
Dobleng takot ang naramdaman ng isang tattoo artist sa Bulacan nang may makita siyang 'di umano'y doppelganger--isang hindi maipaliwanag na nilalang na kaparehas ng wangis ng isang tao--na gumagaya sa kanyang pamangkin. Susubukan namang lutasin ni paranormal expert Ed Caluag ang misteryong ito.
Dobleng kaba naman ang naranasan ng dalawang pamilya dahil sa banta ng rabies. Isang bata naman sa Misamis Oriental ang nakalmot ng ligaw na pusa. Matutulad kaya siya sa isang lolo mula sa Cebu na natagpuang wala nang buhay matapos daw makagat ng mga alaga niyang aso?
Dobleng tamis ang matitikman sa mga prutas na sikat na sikat online. Ano nga ba ang mga health benefits ng jujube na sinasabing panlaban daw sa sakit na cancer? Viral naman ang isang uri ng durian mula sa Davao na kulay pink at orange kaya nabansagang "Barbie durian."
Tunghayan din ang kuwento ng magkasintahang tikbalang na babahain ng problema sa mismong araw ng kanilang kasal sa "The Runaway Tikbalang."
Ito ang pangatlong original animated special ng AHA October Shockers na mula Carlos Palanca Memorial Awardee for Literature Augie Rivera.
Tampok din dito ang boses ni Sparkle star at Cinemalaya 2023 Best Actor Mikoy Morales.
Doblehin ang kaalaman sa mga kuwentong kababalaghan na puno ng aral sa pangatlong special offering ng AHA October Shockers, October 15, 8:15 a.m. sa GMA.
Abangan din ang iba pang original animated stories sa ikalimang taon ng AHA October Shockers, every Sunday morning ngayong October sa AHA.