GMA Logo Ahn Yeo seop at Lee Sung kyung
What's Hot

Ahn Hyo-seop at Lee Sung-kyung, magtatambal sa 'The Romantic Doctor 2'

By Dianara Alegre
Published February 4, 2021 1:12 PM PHT
Updated February 6, 2021 10:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Ahn Yeo seop at Lee Sung kyung


Rivals turned lovers? Abangan ang award-winning na pagganap nina Ahn Hyo-seop at Lee Sung-kyung sa 'The Romantic Doctor 2' simula February 8, 10:20 pm, sa GMA.

Sa unang pagkakataon ay itatampok sa GMA Heart of Asia (HOA) ang award-winning actor na si Ahn Hyo-seop habang first time naman bibida sa GMA primetime program si Lee Sung-kyung sa critically-acclaimed South Korean series na The Romantic Doctor 2.

Sa serye, gaganap ang award-winning actor na si Ahn Hyo-seop bilang si Wesley So, ang 2nd year general surgery fellow na mayroong troubled past. Bukod dito, kinaiinisan din siya ng mga kapwa niya doktor dahil sa pagiging whistle blower niya.

Ang multi-talented actress naman na si Lee Sung-kyung ang gaganap sa karakter ni Emily Cha, ang 2nd year cardiac surgery fellow na determinadong maging matagumpany na doktor. Gayunman, mayroon siyang anxiety/panic disorder sa tuwing magkakaroon ng operasyon.

Magkaklase sa pre-med school sina Emily at Wesley at sa iisang ospital din sila nagtrabaho, sa Geosan University Hospital sa Seoul. Mula pa noon ay mahigpit na silang magkatunggali. Likas na matalino si Wesley habang si Emily ay may nais patunayan sa kanyang sarili, lalo na sa kanyang pamilya.

Hanggang sa isang araw ay nagtungo ang nag-iisang surgeon sa South Korea na triple board-certified sa general surgery, cardiothoracic surgery, at neurosurgery na si Dr. Daniel Boo o mas kilala sa tawag na Master Kim (Han Suk-kyu) para mag-recruit ng mga doktor sa Doldam Hospital sa Gangwon Province.

Nakita niya si Wesley at kaagad niya itong kinakitaan ng galing kaya inalok niya ito ng trabaho sa Doldam Hospital, habang si Emily ay walang choice kundi ang magtrabaho roon dahil na-suspend siya sa Geosan Hospital matapos siyang mawalan ng malay sa gitna ng surgery dahil sa panic disorder.

Ma-realize kaya nila ang tunay na feelings nila sa isa't isa ngayong magkasama at nasa iisang surgical team na sila sa Doldam Hospital?

Abangan ang pagbabalik ni Han Suk-kyu bilang Master Kim at ang award-winning na pagganap nina Ahn Hyo-seop at Lee Sung-kyung sa The Romantic Doctor 2 simula February 8, 10:20 pm, pagkatapos ng My Korean Jagiya sa GMA.

Samantala, kilalanin ang ibang cast ng serye sa gallery na ito: