
Mapapanood sina Ahron Villena at Jane Mounter sa bagong episode at Father's Day special ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Instant Daughter," tungkol ito sa lalaking makikilala ang kanyang anak sa unang pagkakataon.
Gaganap si Ahron bilang party boy na si Colin, habang si Jane naman ay ang long-lost daughter niyang si Janine.
Magbabago ang buhay ni Colin nang ma-diagnose siya ng isang malubhang sakit. Halos kasabay nito, mami-meet niya for the first time si Janine.
Sisikapin ni Colin na bumawi sa pagiging tatay kay Janine. Mauubusan kaya ng oras ang mag-ama?
Huwag palampasin ang bagong episode at Father's Day special na "Instant Daughter," June 21, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.