
Unang araw pa lang ng taping ay sumabak na agad ang lead stars ng upcoming GMA drama ng Raising Mamay na sina Aiai Delas Alas at Shayne Sava sa isang adventure.
Bilang parte ng kanilang eksena, nag-bike zipline sila o pagbibisikleta sa lubid habang naka-harness.
Dahil sa kanilang dedikasyon sa kanilang trabaho, piniling huwag kumuha ng double actors sina Aiai at Shayne at game nilang ginawa ang nakakalulang activity sa isang mountain resort sa Bataan sa kabila ng pagkakaroon ng fear of heights.
Sa katunayan, nagkaroon pa ng malfunction ang zipline ni Aiai habang nasa kalagitnaan siya ng rail pero itinuloy pa rin ng batikang aktres ang pagba-bike.
Sa larawang ito, all smiles pa ang Comedy Queen habang inaayos ng staff ang kanyang safety gears.
Exciting para kay Aiai ang kanyang new show kaya masigasig siya sa pagpo-promote nito sa kanyang Instagram account.
Sa isang post, ipinakita niya ang kanyang look para sa kanyang role na Letty, o Mamay kung tawagin ng character ni Shayne na si Abigail. Mag-ina sina Aiai at Shayne sa serye.
Ipinost din ni Aiai ang kanilang bonding moment sa set kasama si Shayne at love team nitong si Abdul Raman.
Ang Raising Mamay ay mula sa direksyon ni Don Michael Perez.
Bago pa man tayo muling maantig kay Aiai sa telebisyon, tingnan sa gallery na ito ang career highlights ng Comedy Queen bilang Kapuso: