
Hindi nakaligtas sa paandar na TikTok ni Aiai Delas Alas ang kanyang kapwa Kapuso stars na sina Dingdong Dantes, Bea Alonzo, Julie Anne San Jose, at Rayver Cruz habang sila ay magkakasama sa US para sa kanilang "Together Again: A GMA Pinoy TV at 17 Concert" ngayong weekend.
Sa Instagram, ibinahagi ni Aiai ang isang TikTok video kung saan makikita na game na game na nakikisayaw sa kanya ang Family Feud host na si Dingdong, Start-Up PH actress na si Bea, Maria Clara at Ibarra actress na si Julie, at former Bolera actor na si Rayver.
"Stronger together sa LA WOHOOO ang saya salamat po @gmapinoytv @gmanetwork @gmalifetv," caption ng Comedy Queen sa kanyang post.
Sa hiwalay na post, ibinagi ng GMA Pinoy TV ang kumpletong dance video ng lima sa TikTok.
@gmapinoytv Dahil nasa Los Angeles na rin ang ating Kapuso stars na sina Bea Alonzo, @MS AIAI DELAS ALAS-SIBAYAN , @Julie Anne San Jose , @Rayver cruz at Dingdong Dantes, hindi na nila pinalampas ang chance na pumunta sa Historic Filipinotown Gateway! Napa-TikTok dance pa ang grupo! #StrongerTogether #LA #Kapuso #HiFiGateway ♬ original sound - gmapinoytv
Ang naturang video ay kinunan pa sa harap ng Historic Filipinotown Gateway sa Los Angeles.
Mainit din ang naging pagsalubong ng GMA Pinoy TV sa apat na Kapuso stars paglapag pa lamang nila sa US.
Bumungad naman sa kanila ang magandang balita na sold out na ang tickets para sa kanilang show bukas, Sabado, September 24 at paubos na rin ang ticket para sa Linggo, September 25 na gaganapin sa Pechanga Resort Casino sa California.
Ang two-day concert na ito ay nakatakdang magpasaya ng Filipino-American community sa Amerika. Makakasama rin ng apat sa nasabing concert ang Kapuso singer at tinaguriang Asia's Nightingale na si Lani Misalucha.
SILIPIN NAMAN ANG SEXIEST MOMENTS NI AIAI DELAS ALAS SA GALLERY NA ITO: