What's Hot

Aiai Delas Alas, gagawing proyekto ang binyagang bayan

By Maine Aquino
Published January 14, 2020 6:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

UK PM Burnham in Ukraine for 35th independence anniversary
Ratsada Balita: August 24, 2026 | Livestream
Alex Eala achieves new career high as world No. 18

Article Inside Page


Showbiz News

Aiai Delas Alas binyagang bayan


Alamin kung bakit napagdesisyunan ni Aiai Delas Alas na gawing regular ang binyagang bayan.

Nais gawing proyekto ni Aiai Delas Alas ang binyagang bayan para sa mga kababayan niyang nangangailangan.

Kuwento ni Aiai sa ginanap na binyagang bayan nitong January 12, makikipagtulangan siya sa faith-based radio station na Radyo Veritas.

IN PHOTOS: Aiai Delas Alas, ang tanging ninang ng bayan

"I think gagawin ko rin itong project to help sa Radio Veritas. Para maraming mga mahihirap nating mga baby, 'yung mga kababayan natin na makapagpabinyag 'yung mga anak nila.

Sa binyagang bayan ay nakitang kinilala ni Aiai maigi ang kanyang mga bagong inaanak at kanilang mga pamilya.

Ayon sa D' Ninang star, ito ay para masiguradong matutulungan niya ang kanyang mga inaanak sakali mang kailanganin siya ng mga ito.

Saad ni Aiai, "Para alam ko naman na sila 'yung mga inaanak ko at balang araw siguro, puwede ko silang matulungan kung humingi ng tulong 'yung mga magulang nila sa akin, makakatulong din ako.

"Sabi nga nila, 'pag ninang ka, second mother ka doon sa mga bata."

WATCH: Anong klaseng ninang si Aiai Delas Alas?