
Damang-dama ni Comedy Concert Queen Aiai Delas Alas ang performance ng New Clasher na si Jayce San Rafael sa episode ng The Clash 2025 noong Linggo, July 20.
Tila nag-transform ang introvert na 25-year-old contestant nang tumuntong na sa entablado para awitin ang hit song ni JK Labajo na "Ere".
Naka-relate naman ang The Clash judge sa lyrics at mensahe ng kanta.
Ani Aiai, "Ang kantang 'to ay tungkol sa mga inabandona, badtrip. Sabi ko parang no'ng una, malamya. Pero no'ng naiinis ka, sabi ko, tama. Tama 'yang emosyon mo. Tama na naiinis ka. Sobrang tama."
Napamura pa si Aiai na tila may pinagdaraanan sa personal niyang buhay.
Hirit pa niya, "Kanta ko talaga yan, e, salamat kinanta mo ah."
Dahil sa kanyang pasabog na performance, pasok si Jayce sa round three ng The Clash 2025 na magsisimula na ngayong Linggo, July 27.
Mapapanood ang The Clash 2025 tuwing linggo, 7:15 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.
KILALANIN ANG IBA PANG NEW CLASHERS DITO: