GMA Logo gerald sibayan and aiai delas alas
What's Hot

Aiai Delas Alas, ibinahagi ang mga 'first time' sa Amerika

By Jansen Ramos
Published December 25, 2021 6:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BTS reunites for a celebration ahead of Christmas
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

gerald sibayan and aiai delas alas


Memorable ang Christmas 2021 para sa mag-asawang Aiai Delas Alas at Gerald Sibayan dahil ipinagdiwang nila ito nang malayo sa kanilang pamilya.

Living her best life ang Comedy Queen na si Aiai Delas Alas kasama ang kanyang asawang si Gerald Sibayan sa Amerika.

Updated ang fans ng komedyante sa mga activity nila sa Amerika kung saan muna sila mamalagi. US legal resident si Aiai.

Sa kanilang pamamalagi sa Amerika, ibinahagi ni Aiai sa kanyang Instagram account ang mga first time nilang ginawa roon.

Memorable ito para sa mag-asawa dahil nag-Pasko sila ni Gerald na malayo sa kanilang pamilya.

Ani Aiai, "First time na:
Mag-Christmas sa Ashburn, Virginia
Magsimba sa St. Theresa Church
Mag-Christmas na 2 lang kami
At first time na maglugay ako ng buhok habang magma-mass...semi cavewoman na 'yung buhaghag kong buhok hahaha

"HAPPY PASKO."

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)

Bagamat malayo sa dalawang anak na sina Sancho at Sophia, nananatili pa rin ang komunikasyon ni Aiai sa kanyang mga mahal sa buhay sa Pilipinas at patunay diyan ang post na ito. Ang isa pa niyang anak na si Shaun Nicolo ay nakabase sa US mula pa noong 2012.

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)

Taong 2015 pa noong nagkaroon ang komedyante ng "green card" o dokumentong ibinibigay ng U.S. Citizenship and Immigration Services sa mga permanenteng residente ng USA na puwedeng tumira at magtrabaho sa bansa.

Inaasahang mamalagi muna roon si Aiai para pagtuunan ang kanyang buhay may-asawa. Ayon sa batikang aktres, naghain siya ng petisyon para kay Gerald para maging lawful permanent resident din ito ng US. Doon din nila planong magka-baby via surrogacy.