GMA Logo aiai delas alas and lani misalucha
What's on TV

Aiai Delas Alas, Lani Misalucha proud of the new 'The Clash' panel

By Jansen Ramos
Published June 11, 2026 6:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Buluthuan sa Ibajay, Aklan, gindayaw sa colorful nga classrooms kag facilities | One Western Visayas
Kylie Padilla gushes over AJ Raval and daughter Alkina's TikTok video
Independence Day celebrations and deals

Article Inside Page


Showbiz News

aiai delas alas and lani misalucha


Nilinaw nina Aiai Delas Alas at Lani Misalucha na walang alitan sa pagitan nila at ng mga bagong miyembro ng 'The Clash' panel na sina Jillian Ward at JL Toreliza.

Marami ang na-excite sa bagong edisyon ng all-original singing competition ng GMA na The Clash, na pinamagatang The Clash Teens, kung saan new generation of singers, na may edad mula 14 hanggang 19, ang bibida sa Clash arena.

Pero kasabay ng pagbabago sa age group qualification ng programa, marami rin ang nagulat sa pagbabago ng set ng panel of judges, na orihinal na kinabibilangan nina Aiai Delas Alas, Lani Misalucha, at Christian Bautista.

Sa The Clash Teens, tanging si Christian lamang ang nanatili. Kasama niya sa Clash Panel ang Star of the New Gen na si Jillian Ward at BGYO member at Chinito P-Pop Charmer na si JL Toreliza, na dating The Clash contestant mula season one. Naging parte ng panel sina Aiai at Lani mula 2018 hanggang 2025.

Sa recent episode ng Fast Talk with Boy Abunda kung saan nag-guest sina Jillian at Christian, nilinaw ng King of Talk Boy na si Abunda na wala bad blood sa pagitan ni Aiai at ng mga bagong judges ng The Clash Teens.

Ani ng TV host, "Bago magsimula ang programa, I had a conversation with Aiai Delas Alas because some people are saying, 'May problema ba?' Wala, wala po."

Ipinarating din ni Tito Boy ang mensahe ng Comedy Queen sa bagong Clash Panel.

Paglilinaw ni Tito Boy, "We would like to set the record straight: They're very happy, they're very happy with Jillian, I'm talking about Aiai, very happy of course for you, Christian, to be there. Hindi raw sila nag-coup d'etat. She's looking forward and she's just so proud."

Samantala, ganito rin ang naging pahayag ni Asia's Nightingale Lani Misalucha.

Sa panayam ng GMANetwork.com sa batikang mang-aawit sa relaunch ng hit single niyang "Bukas Na Lang Kita Mamahalin" noong Miyerkules, June 10, sinabi ni Lani na ikinatutuwa niya na may bagong flavor ang singing competition na aabangan ng mga manonood.

Ika niya, "Para sa akin, it is a very exciting phase of The Clash. We've been doing The Clash for, this is the eighth year 'di ba, so from the time that it started nando'n na kami ni Christian, ni Aiai, at saka ako as panel of judges. Hanggang ginawa namin yan ng pang-7th year.

Dugtong na paliwanag ni Lani, "Syempre, iba pa rin kapag kakaiba ang gagawin and para sa 'kin, really, honestly, I'm so excited for The Clash Teens para ang tao they have something to look forward to, 'di ba, especially now na nando'n si Jillian, JL. At syempre, kailangan nand'yan si Christian kasi he's the strict judge. So I'm glad and the production, ang EP namin they thought of doing this and I'm excited for everyone."

Nagbigay rin si Lani ng advice kina Jillian at JL. Aniya, "Just enjoy it kasi from the time na nag-start kami d'yan talagang in-enjoy namin. Talagang we always look forward to going to tapings because alam namin we are going to have a great time, listening and watching the contestants. Tapos kami pa ni Aiai, we would just be laughing and laughing... alam mo naman si Aiai napa-komikera. But of course, nakaka-miss. But for now, I'm excited for The Clash Teens edition."

Samantala, nagbabalik din sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz bilang hosts ng The Clash Teens.

Ipinapalabas ang The Clash Teens tuwing Linggo sa oras na 7:15 p.m. pagkatapos ng Bubble Gang sa GMA.

Mapapanood naman ang unfiltered moments sa likod ng Clash Arena sa Behind The Clash mula Miyerkules hanggang Biyernes, 5:20 p.m. sa Kapuso Stream. (With interviews by Kristine Kang)