GMA Logo aiai delas alas
Celebrity Life

Aiai Delas Alas, mas bumuti na ang kondisyon ng myokymia

By Nherz Almo
Published July 25, 2023 6:50 PM PHT
Updated July 27, 2023 6:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Welcome everyone to the church, says Cardinal Advincula
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

aiai delas alas


Aiai Delas Alas sa kondisyon ng kanyang myokymia: “Twitching lang, hindi na malala.”

Nasa mas mabuting kalagayan na ang mga mata ni Aiai Delas Alas matapos siyang makaranas ng myokymia.

Matatandaang hindi nakadalo ang Kapuso actress noong nakaraang press conference ng bagong niyang pelikulang Litrato dahil sa kondisyon niyang myokymia, kung saan may involuntary twitching ang eyelids ng kanyang mata. Sa halip na umuwi ng Pilipinas, pinayuhan siya ng kanyang doctor na magpahinga na lamang muna sa Amerika.

Noong nakaraang linggo, nabigyan ng pagkakataong umuwi sa Pilipinas si Aiai, na isang magandang timing. Bukod kasi na nakadalo siya sa prestihiyosong event na GMA Gala 2023, maipo-promote rin niya ang Litrato sa pagbubukas nito sa mga sinehan sa July 26.

Sa pocket press conference ng inihanda para sa kanya ng producer ng Litrato noong Lunes, July 24, kinumusta ng GMANetwork.com ang kanyang kondisyon.

Ayon kay Aiai, bagamat may myokymia pa rin siya, mas mabuti na ito kaysa noong humarap siya sa press via Zoom.

Sabi niya, “Di ba, dati napapansin nila na parang hindi pumipikit yung left eye ko, Ngayon, pumipikit na siya. Ngayon, pumipikit na siya pero hindi pa rin ganun kamasyado, sabay na siya ngayon. Sabay na siya ngayon, dati hindi, di ba?"

Tinanong ng GMANetwork.com kung may gamot siyang iniinom para rito, sagot ng The Clash judge, “Wala. Pahinga lang talaga.”

@nherzjane aiai delas alas on her myokymia condition. #eyetwitch ♬ original sound - NherzJane 🌸

Hindi raw matukoy ang dahilan ng pagkakaroon niya ng myokymia, na madalas ay dulot ng stress. Pero sa palagay ni Aiai, may epekto rin ang pagkakaroon niya noon ng Bell's Palsy.

Aniya, “Hindi ko nga alam kung saan nag-start yung ano ko, e, myokymia ko. Sa tingin ko, dati kasi nagka-Bell's Palsy ako noong 2013, di ba? I think isa yun, na bumabalik siya. Pero twitching lang, hindi na malala.”

SAMANTALA, TINGNAN ANG IBA PANG COMEDY ACTORS NA DUMALO SA GMA GALA 2023: