
Bukod sa tagisan ng galing sa pagkanta, linggu-linggo ring inabangan sa nakaraang season ng The Clash ang kwelang pagdya-judge ni Comedy Queen Aiai Delas Alas.
Kaya sa pagbabalik ng singing competition sa telebisyon, sinisigurado ng 54-year-old comedienne na lalo pang mahu-hook ang mga manonood dahil mas intense ang kanyang paghahanda para rito.
Isa laban sa lahat: Most intense vocal battle arises on The Clash Season 2
Sabi ni Ai Ai, "Ngayon marami akong baon, pinaghahandaan ko sila.
"Sa bahay, gumagawa ako ng comments kung kanino babagay 'yung mga ginawa ko."
Bukod sa pagsusulat ng comments na maaari niyang ibato sa contestants, ibinahagi niyang mas bongga din ang kanyang mga ipapakitang kasuotan.
Ani Ai Ai, "Marami pa akong ipapakita, iba naman.
"Hindi lang avant garde na fashion."
Pagbunyag pa ng komedyante, magkakaroon siya ng special guests sa The Clash na dapat abangan ng mga manonood.
"And, of course, sina Birdie and friends ay makikita na rin nila ulit."
Diin pa ni Ai Ai, "May 'and friends' na si Birdie, dadami pa sila."
Mapapanood ang The Clash simula September 21.