
Ngayong Pebrero, nakatakda nang magsimula ang taping ng upcoming GMA series na Raising Mamay kung saan bibida si Aiai Delas Alas.
Kaya naman, mula Amerika ay agad na umuwi ng Pilipinas ang batikang aktres at komedyante para sa kaniyang bagong proyekto.
Ilang araw matapos makauwi ng bansa, ibinahagi ni Aiai sa Instagram na nami-miss na niya ang kaniyang asawa na si Gerald Sibayan na naiwan sa Amerika.
“Miss ko na sobra 'tong lalaki na 'to… Tuwing kausap ko 'to parati akong natatawa (sa sobrang karakter niya) or naiiyak (sa sobrang miss pero wala kang choice). Blessed ako na kahit matagal na kami, mahal pa rin naming ang isa't isa. Kaya naniniwala na ako ngayon na mayroon talagang tao na nilaan ang Diyos na para sa'yo. Na kalahati mo, na makakasama mo sa buhay, na magiging masaya ka at payapa. Salamat Lord sa blessing na ito. Labyu my darl,” sulat ni Aiai sa kaniyang caption.
Sa isang interview, nagpasalamat si Aiai sa panibagong proyekto na ipinagkatiwala ng GMA Network sa kaniya.
"Parang project talaga 'to na gift sa akin ni Lord kasi, first of all, thank you so much sa GMA kasi napakaganda ng istorya. Mahirap 'yung role. Binabasa ko pa lang 'yung script, umiiyak na 'ko, as in, very heartwarming. Masasabi mo na, 'wow' ang ganda nitong palabas na 'to," pagbabahagi ni Aiai.
Abangan ang muling pagpapamalas ni Aiai ng kaniyang husay sa pagpapatawa at pag-arte sa kaniyang karakter sa Raising Mamay!
Samantala, silipin ang “happily-ever-after” nina Aiai delas Alas at Gerald Sibayan sa gallery na ito: