
Nagkomento si Aiai Delas Alas tungkol sa kanyang bashers sa ginanap na live online reunion ng The Clash nitong Sabado, May 2.
Muling nakasama ni Aiai ang kanyang kapwa The Clash judges na sina Lani Misalucha at Christian Bautista, Clash Masters na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, at Clashmates na sina Ken Chan at Rita Daniela sa pamamagitan ng isang video conference.
Naghatid sila ng iba't ibang performance, nagkuwentuhan, at nag-anunsyo rin tungkol sa ginagawang online auditions para sa season 3 ng original musical competition ng Kapuso network.
Matapos ang ilang paala mula kay Aiai tungkol sa auditions, tinanong siya ni Rayver, “Na-miss niyo po ba 'yung bashers ninyo?”
Nagtawanan naman sila bago sagutin ng Philippine Queen of Comedy ang controversial question.
Aniya, “Ay hindi, marami naman ako noon. Kaya okay lang. Kahit wala namang The Clash, okay lang.
“Wala naman masyado kaya 'wag mo na silang gisingin. Naka-quarantine sila eh.”
Nagpaalala rin si Julie na walang lugar ngayon ang pamba-bash.
Aniya, "'Yang mga bashers na 'yan, hindi natin 'yan kailangan ngayon. Kasi ang kailangan natin ngayon ay magtulong-tulungan tayo para malampasan natin ito."
Ang online auditions ng The Clash ay bukas hanggang June 28. Maaaring magpasa ng inyong audition videos sa pamamagitan ng direct message sa The Clash Facebook page.
Aiai delas Alas, mas enjoy maging panadera kaysa artista?
Aiai Delas Alas joins fellow comedians in 'COVIDyante' initiative against COVID-19