GMA Logo Aiai delas Alas and mom Gregoria delas Alas
Source: msaiaidelasalas/IG
Celebrity Life

Aiai Delas Alas, naging sentimental nang makarinig ng Christmas song

By Kristian Eric Javier
Published October 3, 2023 3:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

GMA Kapuso Foundation builds four new classrooms in Bohol this year
Balitang Bisdak: December 15, 2025 [HD]
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Aiai delas Alas and mom Gregoria delas Alas


Aiai Delas Alas, naalala ang kaniyang ina nang makarinig ng Christmas song. Alamin dito kung bakit.

Nakaramdam ng pangungulila at naging sentimental ang Concert Comedy Queen na si Aiai Delas Alas kamakailan matapos makarinig ng Christmas songs. Ayon sas comedian at actress, naaalala niya ang nanay niya tuwing nakakarinig siya ng Christmas songs.

Sa post ni Aiai sa Instagram, idinetalye niya kung ano ang naaalala niya tuwing makakarinig ng Christmas song.

“Kasi madalas kaming magsimbang gabi kahit bata pa ako. Maalala ko nagsisimba kami sa Balintawak sa St. Joseph church tapos maglalakad kami ng madaling araw hanggang Baesa kasi minsan walang jeep,” kuwento ni Aiai.

Dagdag pa nito ay kumakain lang sila ng champorado sa karinderya na nadadaanan nila tuwing nagsisimba. Inamin pa ng aktres na ito ang kinakain niya dahil paborito niya ang champorado.

Ikinuwento rin ni Aiai na madalas din silang kumain sa isang sikat na restuarant kung saan umano nakakaubos siya ng isang buong manok, isang bagay na madalas ikuwento ng nanay niya sa mga katrabaho nito.

“Wala lang naalala ko lang simpleng buhay and simpleng happiness ko na ibinibigay niya kasi alam niya magiging masaya ako,” paliwanag ng aktres.

BALIKAN ANG NATATANGING PAGGANAP NI AIAI SA TV AT PELIKULA SA GALLERY NA ITO:

Binanggit din niya kung papaanong natatawa ang kaniyang anak na si Sophia dahil bigla na lang siyang umiiyak.

“Ewan ko ba kahit pala adoptive mom mo lang no 'pag siya talaga nakasama ko memories nakakaiyak, partida masungit at strict pa si mother goose niyan,” sabi nito.

Dagdag ng aktres, “Parati pa kami magkaaway dati nung dalaga pa ko and minsan noong may una pa akong husband hehe.”

Sa huli ay nag-iwan lang si Aiai ng short and sweet na message para sa kaniyang ina, “Miss you mama labyu (love you)."