GMA Logo aiai delas alas
What's Hot

Aiai Delas Alas, nagpasaya ng Pinoy nurses sa Florida

By Dianne Mariano
Published December 23, 2021 5:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Kilusang Bayan Kontra Kurakot press conference (Jan. 19, 2026) | GMA Integrated News
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

aiai delas alas


Aiai Delas Alas: “Siguro yun talaga 'yung calling ko, 'yung magpasaya ng mga tao."

Isang maagang pamasko ang hatid ni Comedy Queen Aiai Delas Alas sa Pinoy nurses sa Florida dahil dumalo ito sa kanilang Christmas party.

Naganap ang nakatutuwang celebration na ito sa Tallahassee, Florida, at lubos ang tuwa ng komedyana dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya ng Filipino medical frontliners.

“Happy ako kasi ngayon nag-Christmas party tayo with the nurses dito sa Florida. Siguro 'yun talaga 'yung calling ko 'yung magpasaya ng mga tao,” pagbabahagi ni Aiai kay Lhar Santiago sa 24 Oras.

Photo courtesy: GMA News

Dagdag pa niya, “Nagpasalamat talaga ako sa kanila [nurses] kasi sila ay isa sa ating mga bayani na talagang isinusulong ang buhay nila para do'n sa mga nagkakasakit na dulot ng pandemic.”

Sa kasalukuyan, naninirahan sina Aiai at ang asawa niyang si Gerald Sibayan sa North Virginia at masaya raw sila sa kanilang simpleng buhay bilang mag-asawa.

Aniya, “Masyado lang malamig, pero happy ako kasi naaalagaan ko 'yung asawa ko. Napagluluto ko siya, naglalaba, at saka simpleng buhay.”

Naging libangan din nilang mag-asawa ang paggamit ng TikTok, kung saan mapapanood ang kanilang nakatutuwang mga video.

Kamakailan lamang nang ipinagdiwang nina Aiai at Gerald ang kanilang fourth wedding anniversary at nag-date pa sila.

Samantala, tingnan ang blissful married life nina Aiai Delas Alas at Gerald Sibayan sa gallery na ito.