GMA Logo Aiai Delas Alas
What's Hot

Aiai Delas Alas, naiyak sa monthsary gift na ibinigay ng asawang si Gerald Sibayan

By Jimboy Napoles
Published September 13, 2021 11:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Aiai Delas Alas


First-time magkahiwalay ng matagal ng mag-asawang sina Aiai Delas Alas at Gerald Sibayan kaya naman labis ang saya ni Aiai sa monthsary gift na ipinadala sa kaniya ni Gerald.

Masaya at maluha-luhang ikwinento ni Kapuso Comedy Queen Aiai Delas Alas ang ginawang pagsorpresa sa kaniya ng kaniyang asawang si Gerald Sibayan para sa kanilang monthsary.

Sa video na ipinost ng Comedy Queen sa kaniyang Instagram account nitong Linggo, September 12, 2021, ibinahagi niya na pauwi na raw siya galing sa isang baking class at pagsakay niya sa kaniyang sasakyan ay laking-gulat niya nang makita ang bouquet of flowers na galing sa asawang si Gerald na kasalukuyang nasa US ngayon para sa isang badminton tournament.

“Crayola akiz bakla ... pero na surprise ako grabe hindi mo nakakalimutan talagang bigyan ako ng flowers my darling tuwing monthsary naten ... “ kuwento pa ni Aiai.

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)

Sa kaniyang post, nagpasalamat si Aiai sa pagmamahal na natatanggap mula sa asawa at sinabing miss na miss na niya na ito.

“salamat asawa ko happy monthsary ... and kanina nag pasalamat ako kay LORD .. bukod sa wala tayong covid binigay kannya saken ... sana wag ka mag bago hanggang sa expiration ko ... thank you darl miss na miss na kita ... “

Ibinahagi din ni Aiai na first-time daw nilang magkahiwalay nang “medyo” matagal ni Gerald.

“nasan si darl ba??? Nasa US si darl mag tournament sa badminton.. ingat ka parate dyan darl ... 💚💚💚💚💚

"(first time namin mag kahiwalay ng medyo matagal) @gerald_sibayan #badmintontournament #bandmintonusopen #mahiraptalagaLDR”

Tignan ang #RelationshipGoals nina Aiai Delas Alas at Gerald Sibayan sa gallery na ito: