GMA Logo aiai delas alas
Celebrity Life

Aiai Delas Alas now on YouTube; cooks in two-piece bikini on her first vlog

By Dianara Alegre
Published April 17, 2021 11:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Top 1 sa 2026 physicians licensure exam na ‘di agad pinangalanan, inakalang bagsak siya
Military stands by clash that left 19 alleged NPA members dead
Misamis Oriental welcomes Miss Universe Philippines delegates

Article Inside Page


Showbiz News

aiai delas alas


Biro ni Aiai Delas Alas sa kanyang paandar para una niyang vlog, "Hayaan na pampadami ng views.”

May YouTube channel na rin si Comedy Queen Aiai Delas Alas!

Para sa first vlog ng kanyang online cooking show na pinamagatang "Cooking in the House ng Ina Niyo (C.H.I.N)," ipinakita ni Owe My Love actress ang special recipe niya ng two-piece buttermilk chicken.

Aiai Delas Alas

Source: Aiai De Alas YouTube channel

Pero nakapagtataka dahil isang kilong karne ng manok ang nasa ibabaw ng lamesa niya kasama ang iba pang ingredients.

“Bakit two-piece, e, isang kilo 'to?” sabi niya. “Para terno siya sa outfit ko.”

Biglang tinanggal ng aktres ang kanyang damit at tumambad ang kanyang two-piece pink bikini outfit.

Natatawa naman ang aktres sa ginawa niyang paghuhubad.

Sabi pa niya, “Natatawa ako sa anak ko napapikit. Hayaan na pampadami ng views.”

Aiai Delas Alas

Aiai Delas Alas

Source: Aiai De Alas YouTube channel

Bida rin sa vlog ni Aiai ang Hello Kitty-themed niyang kusina at kitchenware.

Kasunod nito ang pagbibigay ng aktres ng ingredients at instructions sa pagluluto ng buttermilk chicken.

At gaya ng ibang vloggers, may tawag din siya sa kanyang subscribers at viewers, mga Chins.

“Hanggang sa susunod nating episode dito sa C.H.I.N, ibig sabihin Cooking in the House ng Ina Niyo.

“Always remember, mga Chins, expect the best deliciousness!” aniya pa.

Habang isinusulat ang balitang ito ay mayroon nang mahigit 44,600 views ang naturang vlog.

Panoorin ang vlog ni Aiai sa video sa ibaba:

Samantala, ilang celebrities naman ang nagpakita ng suporta sa kanyang YouTube journey gayundin sa matapang at nakaaaliw niyang pagluluto online nang naka-two piece.

Kabilang sa mga ito sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, Lovi Poe, Aiko Melendez, Winwyn Marquez, John Vic De Guzman, at Lani Misalucha.

Celebrities nag react sa first vlog ni Aiai Delas Alas

Celebrities nag react sa first vlog ni Aiai Delas Alas

Source: msaiaidelasalas (Instagram)

Narito ang listahan ng celebrities na pumasok na rin sa mundo ng vlogging: