
Nagulat daw ang Comedy Queen na si Aiai Delas Alas nang ibalita sa kanya ng kaibigan na ikinasal nang muli ang ex-husband na si Gerald Sibayan.
Si Aiai ang isa sa mga unang guest sa pilot episode ng KALURKS! noong Linggo, September 13.
"Maraming, maraming salamat sa KALURKS! dahil ako ang inyong unang guest. Bongga!" sabi niya.
Ani Aiai, hindi pa man siya trending noong nakaraang linggo ay siya na talaga ang first guest sa KALURKS!
Nag-trending ang comedy queen matapos lumabas ang balita tungkol sa muling pagpapakasal ng dating asawa na si Gerald Sibayan.
"Oo, nagkataon lang talaga. Pero hindi pa ako trending ako na talaga 'yung first guest.
"Nagkataon lang na nag-trending ako na, 'Ah! Naloka ako kasi natutulog pa ako. Ha! ikinasal na si keme (ex-husband Gerald Sibayan). Hindi ko alam kasi hindi naman ako masyadong nagso-social media. Nagulat ako. Sinabi ng aking friend, 'Oh! Kinasal si kemerut.'
Reaksyon naman daw ni Aiai, "Ha? Kinasal si kemerut? Okay."
Nang tanungin kung wala ba siyang ideya bago mangyari ang muling pagpapakasal ng ex-husband, natatawang sagot niya, "Wala. Parati naman akong walang idea sa gagawin niya sa akin."
"Deadma" rin daw ang naging reaksyon ng kanyang mga anak tungkol sa balitang ito. Aniya, "Kasi two years na rin naman kami na waley na."
Ipinarating naman ni DJ Jhai Ho kay Aiai na ngayon lang niya nakitang nakangiti ang aktres kapag pinag-uusapan ang hiwalayan. Dahil, ani KALURKS! host, kapag napapanood niya ang comedy queen ay nagbi-breakdown ito. Inside link:
"Kasi natuto na ako, namanhid na ako," sabi ng aktres.
Sa kabila ng lahat ng sakit at hirap matapos ang kanilang hiwalayan ng dating asawa, ani Aiai, "I wish him well. Kasi 'di ba, ayoko namang mag-wish sa tao nang hindi maganda. Sinabi ko naman, I really wish him well."
Abangan ang KALURKS! tuwing Linggo, 8:30 p.m. sa GTV.
Maging updated sa KALURKS! Bisitahin ang GMA Network website at GMA Play app para sa latest updates, exclusive content, at trending topics.
Panoorin ang unang episode ng KALURKS! dito:
Related gallery: Meet the Kalurker trio of GTV's newest talk show 'KALURKS!'